MASIGNASUKAv102
6510051498749449419

Sino Ang Tunay Na Diyos Ayon Sa Bibliya?

Sino Ang Tunay Na Diyos Ayon Sa Bibliya?
Tunay na Diyos

Napakaraming sekta o relihiyon ang magkaiba ang pagkaintindi tungkol sa tunay na Diyos dahil wika nga hindi daw binanggit sa Salita ng Diyos o Bibliya ang pangalan sa tunay na Diyos. Ang sinabi lang daw sa Bibliya ay "AMA". Pero wala nga bang mabasa o nabanggit na pangalan sa tunay na Diyos mula sa kasulatan? Ang batayan sa mga grupo na nagsasabing may pangalan ang Diyos ay ang sulat sa 1 Juan 5:20, basahin natin...

1 Juan 5:20 At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo.  Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.

Wika nga na sa teksto na yan, napakalinaw daw na si Kristo Jesus ang tinutukoy na tunay na Diyos. Hanggang ngayon marami pa ring nagtalunan tungkol sa teksto na iyan dahil ang bawat isa ay may magkaibang pagkaintindi at pagpapahayag nito.

Isa pa na nagpapatunay na si Kristo Hesus ay ang tunay na Diyos ay mababasa natin sa aklat ni Juan...

Juan 1:1,14 TLAB
(1) Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
(14) At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan. 

Napakalinaw po na si Hesukristo ay isang Diyos! Commonsense hindi siya peke na Diyos kaibigan dahil ang Diyos ay iisa lamang. Kung may nalalaman ka sa topiko na ito, pakilatag lang sa comment area.
netspreader

Kung may idagdag kang kaalaman o gusto kang magtanong, pakilagay nalang sa comment area.