MASIGNASUKAv102
6510051498749449419

Bakit May Eukaristiya Sa Katoliko Romano?

Bakit May Eukaristiya Sa Katoliko Romano?
Ano ang eukaristiya sa katoliko?

May ibat-ibang paniniwala tungkol sa banal na hapunan na ginawa ni Kristo. Ang iba ay hindi ito binigyang halaga, samantala ang simbahang Katoliko ay tinuturing ito na pinakamahalaga sa lahat na mga sakramento. Ang Banal na Eukaristiya sa Simbahang Katoliko ay isang sakramento na ang ibig sabihin "ang pinagmulan" sa buhay ng isang Kristiyano. Ito ay ipinagdiriwang araw-araw (maliban sa Biyernes Santo). Ang terminong Eukaristiya ay gumagamit ng tinapay at alak kapag transubstantiated (pagbabago sa laman ng tinapay at alak), ayon sa pagtuturo ng Katoliko, ito ay naging katawan at dugo ni Hesus Kristo (Marcos 14:22-24). "Ito ay patuloy na ginagawa ni Apostol Pablo – (1 Corinto 11:23-25).

1 Mga Taga-Corinto 11:23-25 RTPV05
Ito ang katuruang tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing siya'y ipagkanulo, ang Panginoong Jesus ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.” Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, “Ang kopang ito ay ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin.”

Ang pagsasagawa ng Eucharistic adoration ay isang paraan sa pagsamba kay Kristo. Dahil si Kristo mismo ay naroroon sa sakramento ng altar, dapat siya ay pinarangalan sa adorasyong pagsamba. Ang pagbisita sa Banal na Sakramento ay isang patunay ng pasasalamat, isang pagpapahayag ng pag-ibig, at isang tungkulin ng pagsamba kay Cristo na ating Panginoon.

Ang pagsagawa sa ritwal ng banal na Eukaristiya ay tinuturing utos ni Kristo Jesus dahil siya mismo ang nagsasabi na “gawin ninyo ito para sa aking alaala”. At maliban niyan ang banal na eukaristiya o komunyon ay bagong kasunduan sa Dios para sa atin (Lucas 22:20; na hinula sa - Jeremias 31:31-34), at ito ang kanyang buhay na dugo na nagliligtas sa atin.

Sabi pa nga ni Apostol Pablo na sa pag-inom natin sa alak ni Kristo na nakiisa daw tayo sa dugo ni Kristo Jesus, at sa pagkain natin sa tinapay nakiisa rin daw tayo sa kanyang katawan (1 Corinto 10:16). Sana may natutunan ka sa pahina na ito. Welcome ang lahat sa pagbigay ng komento.
netspreader

Kung may idagdag kang kaalaman o gusto kang magtanong, pakilagay nalang sa comment area.

  1. Ito wala sa ibang relihiyon na meron sa Katoliko ang "Eukaristiya".

    ReplyDelete
  2. Totoong katawan ni Kristo ang Eukarestiya.

    ReplyDelete