Ano ang ibig sabihin ng SABBATH o SHABBATH? Ito ay nangangahulugan sa araw ng pagpapahinga na inutos ng Diyos para sa bayan ng Israel dahil sa pagligtas ng Diyos sa kanila mula sa kamay ng mga taga Ehipto. Basahin natin ang talata...
Exodo 20:8-11 “ALALAHANIN MO ANG ARAW NG SABBATH UPANG IPANGILIN. ANIM NA ARAW NA GAGAWA KA AT IYONG GAGAWIN ANG LAHAT NG IYONG GAWAIN. NGUNI'T ANG IKAPITONG ARAW AY SABBATH SA PANGINOON MONG DIOS: SA ARAW NA IYAN AY HUWAG KANG GAGAWA NG ANOMANG GAWA, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan: Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.”
Napakalinaw po kaibigan sa talata na iyan na ang sabbath pala ay utos at dapat sundin sa bayan ng Israel. Ngunit aplikado paba ito para sa mga Kristiyano? Ang Sabbath na Sabado ay sadyang utos para sa mga taga Israel dahil yan rin ang araw na niligtas sila ng Diyos mula sa paghahari ng Ehipto. Basahin po natin ang kasulatan para malinaw ang usapan;
Deuteronomio 5:15 TLABKaya naman pala, napakalinaw po na ang dahilan pala sa pag-utos ng Diyos sa sabbath para sa bayan ng Israel ay yong pagligtas ng Diyos sa kanila mula sa kamay ng mga Ehiptohanon.
At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Egipto, at ikaw ay inilabas ng Panginoon mong Dios doon sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at unat na bisig: kaya't iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipangilin mo ang araw ng sabbath.
Kailanman hindi ito inutos ni Kristo para sa mga Kristiyano. Pero bakit kaya nagpapahinga ang mga Kristiyano sa araw ng linggo? Kasi sa linggo nasanayan ito ng mga Kristiyano noon sa pakipagkita ni Kristo matapos siyang muling nabuhay at tinatawag itong "Lord's Day" dahil ito ang araw na nagkaroon ng katuparan sa pagkabuhay muli ni Kristo Hesus mula sa libingan, dahil sa pagligtas niya sa atin mula sa makasalanang buhay. Amen
Ang Shabbath na sabado ay hindi utos para sa mga Kristiyano, utos yan para sa mga Hudismo.
ReplyDeleteBTW SDA ako Saan po mababasa din sa biblia na may araw na linggo or ibang araw ng kapahingahan na naka Saad sa biblia nag utos din ba si Jesus Christ na sambahin nyo Ang araw ng linggo DAHIL Yung araw na yun ay nabuhay sya??
ReplyDeleteUnang una po si Kristo po ang aming sinasamba hindi po ang araw ng linggo, at tsaka hindi po namin sinabi na sinunod namin ang shabbath na (Sabado) ng mga Judio dahil hindi kami Judismo kundi kristiyano po kami. Kung ang sinunod niyong aral ay aral sa mga Judismo ibig sabihin Judismo po kayo at hindi Kristiyano na tinatag ni kristo.
DeleteIn short question
ReplyDeleteMay naka Saad po ba sa biblia na ibang araw ng kapahingahan maliban sa Sabbath??
Ginawang holy ang linggo dahil yan ang araw na nabuhay si Kristo.
DeleteHi po! Subukan nyo pong sumunod sa araw ng kanyang kapahingahan na sumama at ung anim (6) na araw nyo ay pagpapala in ang buong pamilya nyo. Subukan nya po. Unless ibang sekta po Kyo.
ReplyDelete