Bakit kaya sumasamba ang mga Katoliko sa rebulto? Ito ang kadalasang tanong sa mga anti-katoliko na mga grupo. Pero totoo nga bang sinasamba ng mga katoliko ang rebulto? Basahin nahin ang batayang talata ng mga anti-katoliko na dahilan sa paglabag nila sa paniniwala sa Katoliko.
Exodus 20:4-6
Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: 5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; 6 At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
Yan ay kasama sa ilang utos ng Diyos na binigay kay Moises. Pero kung tanungin natin ang mga katoliko, hindi naman daw nila sinamba ang mga ito. Ang paliwanag sa mga katoliko nito, ang tradisyon na ito ay isang katulad sa pagluhod ni Moises sa harapan ng dalawang rebultong Kerubin, ngunit hindi siya sumasamba sa rebultong Kerubin kundi sa Diyos na nasa gitna ng dalawang Kerubin na pinagawa ng Diyos upang siya ay makipagkita ni Moises sa banal na lugar na iyon. Basahin natin ang talata...
Exodo 25:18-22 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang dulo nito, tig-isa sa magkabilang dulo. Ihihinang ang mga kerubin upang ito at ang Luklukan ng Awa ay maging iisang piraso. Gawin mong magkaharap ang dalawang kerubin na parehong nakatungo, at nakabuka ang mga pakpak na nilulukuban ang Luklukan ng Awa. Ilalagay mo ito sa ibabaw ng kaban na kinalalagyan ng dalawang tapyas na bato ng kautusang ibibigay ko sa iyo. Doon tayo magtatagpo sa Luklukan ng Awa, sa pagitan ng dalawang kerubin; doon ko ibibigay sa iyo ang kautusan ko sa mga Israelita.
Sa talata na iyan napakalinaw na hindi pala lahat na larawan pinagbabawal ng Diyos. Mali ang paniniwala na lahat talagang larawan pinagbabawal ng Panginoon. Nagpagawa nga ang Diyos eh! Sana ito ay nakakatulong sa lahat na nag-alinlangan sa paniniwala sa Katoliko tungkol sa larawan o rebulto. Ito ay ginawa ng Katoliko upang maparangalan ang mga tumutulong sa pagkalat ng mabuting balita. Ang pagluhod sa harapan ng mga rebulto sa mga Santo ay hindi ibig sabihin na sila ang dinasalan bilang Diyos kundi doon lang humarap dahil diyan banda ang presensiya ng Diyos katulad ng mga rebultong Kerubin.
Ang paghingi ng tulong sa mga SANTO ay hindi nangunguhulugan na tinuturing ito na Diyos kundi sila ang tagapagpagitan ng Diyos na si Jesus-Kristo at sa tao. Sana ang pahina na ito ay nakapagbigay liwanag sa inyong kaisipan tungkol sa Rebulto.
Ang paghingi ng tulong sa mga SANTO ay hindi nangunguhulugan na tinuturing ito na Diyos kundi sila ang tagapagpagitan ng Diyos na si Jesus-Kristo at sa tao. Sana ang pahina na ito ay nakapagbigay liwanag sa inyong kaisipan tungkol sa Rebulto.
Ang sabi sa bibliya kerubin (Anghel), sa katoliko kasi mga santo gaya ng St.Rafel,St.Vincent,Sto.Niño at iba pa. Tao ang nag talaga sa kanila hindi ang Diyos.
ReplyDeleteBrod wala namang problema kung maggawa ng rebulto sa mga Santo. Hindi ipinagbawal sa bibliya ang paggawa ng rebulto sa mga Santo.
DeleteAng katoliko lang kasi ang relihiyon na nagkaroon ng mga Santo dahil ito ang totoong Kristiyano. Walang na-Santo sa ibang sekta dahil hindi sila ang karugtong sa tinatag ni Kristo.
DeleteHaha..natawa ako..
ReplyDeleteTawa ka nalang pag hindi mo maintindihan...
DeleteKina usap Naman Ng panginoong Diyos si Moises na gawin iyon,. pero hindi Naman nag utos Ang Diyos na gumawa Ng rebulto na may kawangis Niya.
ReplyDeleteSino ba Ang Tao na kinausap Ng Diyos para gumawa Ng rebulto at sambahin ito?
Huwag yuyukuran ang mga rebulto Only God! Hindi kailangan mga representa nga mga Imahe or revulto dahil sapat na ang ating panginoon na espeirito hindi gawa sa bakal o rebulto o mga santo. ONLY GOD!
ReplyDeleteAng mga santo ay hindi po tagapamagitan sa Dios kundi si kristo lang ang mediator sa ama..wala sa biblia na pwedeng maging tagapamagitan ang mga santo dahil patay na sila..magbasa po kau ng bible at unawain para hindi po madaya..salamat
ReplyDeleteBasahin nyu bible nyu' paparusahan ng dios ang sumasamba sa rebolto...sa pamamagitan ng mga bagyo lindol at iba pa...kasi nga di kayo tumitigil kakasamba sa kahoy at bato na dios
ReplyDeleteHindi po sinasamba ang rebulto, pero hindi rin po bawal ang gumawa ng rebulto sa mga santo.
DeleteBawal maggawa ng rebulto sa diosdios pero kailan man hindi binawal ang paggawa ng rebulto sa mga Santo.
ReplyDeletewalang unawa, hahah
DeleteKung hindi nag-utos ang Diyos sa paggawa ng rebulto ni Kristo, hindi rin naman binawal.
ReplyDeleteTotoong Kristiyano? Ha? Be Christ like nga ika ng ibang kristiyano, hindi sa paninira ha? Pero ang mga katoliko sa amin nagmumura, todo husga etc. Iba ang Katoliko sa Kristiyano, read your Bible carefully. Oo, hindi sinabi sa biblia na bawal gumawa ng rebulto, pero kung gagawin mo lang din na kawangis ng diyos ang nakapako sa Krus ng kalbaryo, ano pa kaya? BE CHRIST LIKE. PAPURIHAN ANG NAG-IISANG DIYOS NA BUHAY.
ReplyDeleteExodus 20:4-6
ReplyDelete4 “Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 5 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. 6 Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan" nasa Sampung utos po ng Diyos na binigay kay Moises