Marcos 16:16 RTPV05
Ang sinumang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang ayaw sumampalataya ay paparusahan.
Kaya ang bawat isa sa atin ay dapat talagang magpabinyag para sa ating kaligtasan. Ngunit sa bawat relihiyon ay may kanya-kanyang paniniwala tungkol sa binyag. Sabi ng iba na kailangan daw ilubog sa tubig ang paraan sa binyag dahil ganyan ang ginawa sa pagbinyag ni Juan Bautista nang bininyagan niya si Kristo Jesus.
Bakit ang seremonya ng binyag sa Katoliko ay hindi paglubog sa tubig kundi wisik o sprinkle lamang? Ito ang kadalasang reklamo ng mga anti-katoliko tungkol sa paraan ng binyag sa Katoliko. Ngunit bakit nga ba? Biblical ba ito? Ang sagot po ng mga Katoliko ay "Opo" biblical po ang binyag ng Katoliko. Basahin nga natin ang mga suportang talata!
Ang bautismo o binyag ng Katoliko ay Espiritu at Apoy
Luke 3:16 Ang Dating Biblia (1905)
16 Ay sumagot si Juan na sinasabi sa kanilang lahat, Katotohanang binabautismuhan ko kayo ng tubig; datapuwa't dumarating ang lalong makapangyarihan kay sa akin; ako'y hindi karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang mga pangyapak: kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo at sa apoy.
Ang bautismo o binyag ng Katoliko ay WISIK sa tubig
Hebrews 10:22 Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
22 Tayo'y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya, na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi: at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig,
Kaya naman pala hindi na lubog ang binyag ng mga Kristiyanong Katoliko dahil binyag na ni Kristo Hesus ang sinusunod, (Espiritu at apoy/wisik), biblical naman pala ang binyag na ginawa ng mga Kristiyanong Katoliko. Ito pala ang relihiyon na sumusunod sa turo ng mga orihinal o sinaunang Kristiyano. Amen.
Learn more: Galatians 2:20 Tagalog: Paano tayo mapako sa Krus na kasama ni Cristo?
comment 0 Comments
more_vert