Ang bawat relihiyon o sekta ay umaangkin na sila ang tunay na Iglesia na tatag ni Kristo. Teka nga, ano nga bang Iglesia na tunay na ang nagtatag ay si Kristo Hesus? Unang tanda sa tunay na Iglesia ay may pari, dahil ang lahing pinili ng Diyos ay pinagharian ng pari, basahin natin ang talata...
1 Pedro 2:9 Magandang Balita Biblia (MBBTAG)Napakalinaw po mga kaibigan na ang mga pinili ng Diyos ay ang Iglesia na may PARI. Kaya nga si Kristo ay tinatawag na PARI o saserdote, basahin natin ang talata...
9 Ngunit kayo ay isang lahing pinili, mga maharlikang pari, isang bansang hinirang, bayang pag-aari ng Diyos, pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.
Hebrews 7:24
24 Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan.
Kaya ang Iglesia na may Pari ay isang tanda ng tunay na tatag ni Kristo. Pero hindi lang iyan ang batayan kundi marami pa.
Ang tunay na Iglesia sa Diyos ay may Santo o Banal.
Si Pedro ay isang Santo (1 Pedro 1:16).
Ang simbahan ay may Santo (1Corinto 14:33).
comment 0 Comments
more_vert