Kalimitang binabato sa Katoliko Romano mula sa ibang sekta o relihiyon ay ang pagdarasal ng Santo Rosaryo. Sabi nila kalampastangan daw sa Diyos ang Rosaryo dahil paulit-ulit daw nating dinadasal, at wala dawng kabuluhan ang dasal na ito dahil ika nga paulit-ulit ito. Mababasa daw natin yan sa aklat ni Mateo 6:7.
Matthew 6:7 Ang Dating Biblia (1905)
7 At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila.
Napakalinaw nga daw na hindi dinggin ang dasal na Rosaryo dahil ito ay paulit-ulit.
Naku po! Napakatindi po ang panghuhusga ng taga ibang sekta. Kasi hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng salitang ROSARYO! Ano nga ba ang Rosaryo? Ito ay galing sa salitang latin "Rosarium" o "Rosarum". Sa english ito ay nangangahulugan ng "Flower of Roses". "Garland of Roses or Crown of Roses". Biblical po ito, basahin natin ang talatang latin...
Sirach 50:8 (Latin Vulgate) “quasi arcus effulgens in nebulam gloriae et quasi flos ROSARUM in diebus veris quasi lilia quae sunt in transitu aquae et quasi tus redolens in diebus aestatis”
Biruin mo biblical naman pala yan! Pero totoo nga bang vain repetition ang Rosaryo? Hindi po! Ito ang paliwanag; MATEO 26:44 – TATLONG BESES INULIT NI HESUS ANG IISANG DASAL. Kaya hindi pala lahat na paulitulit na dasal ay walang kabuluhan. Ang dasal na walang kabuluhan ay yong ginawa ng mga Hentil kasama doon ang nasa sulat ni Job. Mababasa natin yan sa aklat ni Job 35:16. Ang maraming dasal na walang kalaman ay wala palang kabuluhan yon para sa Diyos.
Ito pa sa Pahayag 4:8 ang mga anghel sa Langit ay nagdasal ng paulitulit. Sa Daniel 3:35-66 ilang beses inulit ang salitang "bless the Lord". Kahit sa Salmo 136 ilang beses inulit ang salitang "Love endures forever". Napakaliwanag po na ang dasal na paulitulit ay hindi bawal basta itoy dasal na may kabuluhan.
Kung napansin ninyo na ang Santo Rosaryo ay ilang beses inulitulit ang Ama namin, na kung basahin natin ang Bibliya ito ay turo ni Kristo Hesus. Ang Santo Rosaryo ay Christological dahil sa bawat pahina ng Rosaryo inaalala natin ang talambuhay ni Kristo kung paano niya tayo niligtas. Kaya ang Santo Rosaryo ay napakahalagang paraan ng pagdarasal na dapat nating bigyan ng pansin.
comment 0 Comments
more_vert